CLKSSchild labor knowledge sharing system

Personal tools
Log in Register

Si Raegan, dating batang manggagawa, excited maglaro ng football—Baldoz

Sa Martes, ika-17 ng Setyembre, maglalaro na si Raegan ng football. Si Raegan, 13 taong gulang at isang dating batang manggagawa, ay excited na sa pagdating Martes. Makikita na niya si James at Phil Younghusband, ang magkapatid na sumikat sa galling ng paglalro ng football.

Sa Martes, ika-17 ng Setyembre, maglalaro na si Raegan ng football.

Si Raegan, 13 taong gulang at isang dating batang manggagawa, ay excited na sa pagdating Martes. Makikita na niya si James at Phil Younghusband, ang magkapatid na sumikat sa galling ng paglalro ng football.

Sa murang edad na 7, natuto na si Raegan na magbanat ng buto upang makatulong sa kaniyang mga magulang. Alas singko pa lamang ng umaga, laman na siya ng tambakan ng basura sa isang barangay sa bayan ng Taguig. Dito siya namumulot ng mga bakal at iba pang mapapakinabangang bagay na maari pang pagkakitaan.

Bago mag alas-sais ng umaga, handa na siya at ang kaniyang tatlong mga kapatid sa pagpasok sa kanilang paaralan.

Halos kalahati ng buhay ni Raegan ay nagugol niya sa tambakan. Dito, natuto siyang lumaban, at paminsan-minsan ay nagpapakita ng magaspang na asal upang hindi siya malamangan.

Nagbago ang takbo ng buhay ni Raegan, mula nang siya ay sumali sa Child Protection Clinic on Wheels Program. Ang programang ito ng Laura Vicuña Foundation, na isa sa masigasig na katuwang ng DOLE sa Nationa Program Against Child Labor, ay naglalyong mapanatili sa eskuwelahan ang mga batang manggagawa sa pamamagitan ng pagtustos sa kanilang pangangailangan sa araw-araw nilang pag-aaral.

Mula nang sumailalim siya sa programa ng Laura Vicuña Foundation, natuto na si Raegan na makihalubilo sa kapwa niya mga bata at gumalang sa karapatan ng iba. Mas pinahahalagahan na niya ang kaniyang pag-aaral, gamit ang kagamitang pang-eskwelahan na kaniyang natatanggap bawat buwan mula sa Laura Vicuña Foundation.

Nagkaroon nang mas malalim na kahuligan ang kaniyang buhay.

Magayon, si Raegan ay nasa unang taon na sa highschool. Buo ang loob at patuloy na nagsisikap at nangangarap upang maging isang matapat na pulis at tunay na lingkod ng bayan.

Maglalaro na siya ng football.

“Isa si Raegan sa 250 dating batang manggagawa na tuturuan ng football ng magkapatid na Phil at James Younghusband sa Lakas-Sipa Para sa Batang Malaya, isang football clinic para sa mga batang manggagawa,” ani Baldoz, na dadalo sa naturang aktibidad. Dadalo rin sina Ambassador Goldberg ng Estados Unidos at ILO Manila Director Lawrence Jeff Johnson.

Ang Lakas-Sipa Para sa Batang Malaya ay bahago ng programa ng pamahalaan na masugpo ang talamak na problema sa child labor.
END
Document Actions
Filed under:

Comments (0)