CLKSSchild labor knowledge sharing system

Personal tools
Log in Register

Pinakilos ng Malacanang ang mga ahensiya ng gobyerno para magsagawa ng programang lulutas sa isyu ng child labor

Inihayag ng Malacanang ang mga programa ng gobyernong Aquino upang tugunan ang mga isyung kaugnay ng child labor sa bansa para matiyak ang kaligtasan, mabuting kalagayan at pagkatuto ng mga kabataang Pilipino.

Inihayag ng Malacanang ang mga programa ng gobyernong Aquino upang tugunan ang mga isyung kaugnay ng child labor sa bansa para matiyak ang kaligtasan, mabuting kalagayan at pagkatuto ng mga kabataang Pilipino.

Sa pulong balitaan sa Malacanang Miyerkoles, sinabi ng Tagapagsalita ng Pangulo Edwin Lacierda na isang multi-agency cluster pinakilos upang magpatupad ng iba-ibang programang lulutas sa child labor. Kabilang dito ang Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Kaunlaran at ang Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay.

“May programa nang ginagawa ang DSWD at DOLE. Ang dalawang ahensiyang ito rin ay kasama sa Human Development and Poverty Reduction Cluster na lulutas sa child labor,” sabi ni Lacierda.

“Bahagi naman ng kampanya ng DOLE na 80 baranggay ng limang mahihirap na rehiyon ng bansa ang dapat madeklarang child labor-free sa pagtatapos ng 2012,” sabi ni Lacierda.

“SA DSWD sa kasalukuyan, ang pangunahing programa ay ang Conditional Cash Transfer o CCT. Sinasaklaw na ngayon ng programang ito ang may 7, 501, 437 bata at patuloy pa rin ang pagtiyak na ang mga batang ito ay lalaking malusog at nag-aaral,” dugtong ni Lacierda.

Bukod dito, sabi ni Lacierda, ang mga magulang ay sinasanay na rin upang alagaan ang mga anak nila at tiyaking nauunawaan nila ang halaga ng kalusugan at edukasyon ng mga bata.

Idinagdag ni Lacierda na ang mga magulang na nakikinabang sa programa ng CCT ay pinadadalo sa panayam tungkol sa pangangalaga ng pamilya, lalo na kung paanong ang mga bata ay mananatiling malusog, nag-aaral at hindi naghahanap-buhay sa murang edad.

Ang bagay na ito, sabi ni Lacierda, ay bahagi ng pagdiriwang ng pamahalaan sa “World Day Against Child Labor” na ginunita noong Hunyo 26.

Sinabi ni Lacierda na sisikapin ng administrasyong Aquino na lahat ng baranggay ng 1,500 bayan sa bansa ay child labor-free upang matupad ang pakay nito na pagdating ng 2015 ay 75 porsiyento na ang naalis sa lahat ng pinakamasamang uri ng child labor.

Ang programang ito ay naaayon sa simulain ng Millennium Development Goals na magkaroon ng universal education na ang ibig sabihin, lahat ng bata ay nag-aaral.

Source: http://www.pcoo.gov.ph

Document Actions
Filed under:

Comments (0)