CLKSSchild labor knowledge sharing system

Personal tools
Log in Register

Sa Sagada, malaking tagumpay ang maibibigay ng lokal na pamahalaan para sa programang child labor-free sa Pilipinas, ani Baldoz

Binisita kamakailan ni Kalihim Rosalinda Dimapilis-Baldoz ang Barangay ng Aguid sa Sagada, Mt. Province, na may dala-dalang mensahe ng pag-asa mula sa gobyerno para sa 120 kabataan galing sa limang barangay na napag-alamang manggagawa sa murang edad gayundin ang kanilang mga magulang.

“Ang edukasyon ang lunas sa kahirapan at mapanganib na trabaho ng mga kabataan,” pahayag ni Baldoz sa mga residente ng Barangay Aguid na buong pwersang dumating sa gitna ng kabundukang barangay pitong kilometrong hilaga sa kabayanan ng Sagada.upang makita at marinig sa mensaheng dala ng Kalihim ng Paggawa at Paghanapbuhay.

“Kailangan nating magtulong-tulong upang mahinto ang child labor, dahil ito ang daan upang maging matagumpay ang laban ng child-labor sa tulong at suporta din ng lokal na gobyerno”, paliwanag ni Baldoz.

Kasama sina Regional Director Henry John Jalbuena ng DOLE Cordillera Administrative Region, Allison Belagan na kumakatawan kay Cong. Maximo Dalog, at Alkalde ng Sagada na si Mayor Eduardo Latawan Jr., nakiisa si Baldoz sa mga guro, gayundin ang mga estudyante at magulang sa umagang seremonya sa Aguid Elementary School upang inanunsyo ang pag-apruba ng batas sa pamamagitan ng Sagada Sangguniang Bayan, na naglalayon ng komprehensibong suporta para sa kaligtasan, pag-unlad,  proteksyon, at partisipasyon para sa mga kabataan ng Sagada.

Dinaluhan din ng mga opisyal ng gobyerno ng Sagada ang nasabing seremonya. at bawat kapitan sa Barangay ng Aguid, Banga-an, Fidelisan, Tanulong, Madonog, at Pide ay nagpahayag ng suporta sa pamamagitan ng kani-kanilang memorandum ng agreement o kasunduan sa DOLE-CAR upang pagtibayin and kampanya ng DOLE para sa child labor-free barangay gayundin ang anti-illegal recruitment and trafficking in persons.

Ang Sagada na isa sa sampung bayan ng Mountain Province ay ika-limang klase ng munisipalidad. Bilang isang pang-agrikulturang komunidad, kahit sinong miyembro ng pamilya kabilang ang mga anak ay ginagawang isang unpaid labor sa iba’t-ibang gawain sa sakahan.

Kamakailan lang ay nadiskubre na ang mga deposito ng mineral ay pumatok sa small-scale “pocket” mining.  Isang ebidensya kung bakit dinala ng DOLE ang laban sa child labor sa mga barangay ng Sagada.

Sa labingsiyam na barangay ng Sagada, napagalaman na may 120 kabataan ang nasa panganib ng pagiging child labor. Labing anim sa mga ito ay naobserbahang nasa trabaho ng “pocket” mining at ang natira ay sa gardening o farming.

Ayon sa pagsisiyasat ng NSO’s Survey on Child Labor, may tinatayang 644 manggagawang kabataan ang Sagada at 491 sa mga ito ay nasa mapanganib na trabaho mula sa 3,567 populasyon nito na may edad na lima hanggang labingpitong taong gulang.

Nagkaisa ang bawat ahensya ng gobyerno sa CAR upang  mapabilis ang layunin ng DOLE na maging child labor-free ang mga barangay. Ang Technical Education and Skills Development Authority, isang ahensya ng DOLE ay nakikipagtulungan sa lokal na yunit ng gobyerno upang magbigay ng kasanayan sa kabuhayan ang mga magulang ng manggagawang kabataan.

Samantala, ang Department of Social Welfare and Development ay may ipinasok na 43 pamilya sa Conditional Cash Transfer o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na sinasabing may mga anak na nasa panganib na maging biktima ng child-labor.

Hinikayat at sinuportahan rin ng Department of Interior and Local Government o DILG ang pinasimulang Local Councils for the Protection of Children (LCPCs) at Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) sa labingsiyam na barangay sa Sagada.

Isinagawa naman ng Department of Education o DepEd ang kanilang monitoring of students at risk of dropping out o SARDO at iba pang mga Gawain pang-edukasyon, kagaya ng teacher training, pagpuksa sa bullying at karahasan sa eskwelahan, gayundin ang partisipasyon sa DOLE Angel Tree Project.

Pinuri ni Kalihim Baldoz si Alkalde Eduardo Latawan Jr. ng Sagada at mga opisyal nito para sa kanilang katapatan na ang child labor ay umiiral sa Sagada at nangako na patuloy na magbibigay ng karampatang solusyon sa naturang problema.

“Hinahangaan ko ang iyong matatag na suporta sa layunin ng gobyerno na malabanan ang child labor, gayundin ng Sangguniang Bayan, na pinangunahan ni Vice Mayor Richard Yodong para sa pagsasabisa ng Municipal Ordinance No. 05-2012, o Sagada Code for Children, isang komprehensibong batas na dapat tularan ng iba pang mga munisipalidad,” ani Baldoz.

Sa kanyang pagbisita sa Brgy. Aguid, namahagi and DOLE ng kagamitan sa paaralan sa 120 kabataan sa ilalim ng Project Angel Tree, at P1.52 milyong halaga ng tulong pangkabuhayan para sa mga magulang.

Ang nasabing tulong na papamahalaan ng bawat munisipyo ay nakatuon sa pagpapalago ng mga kabuhayang maaaring pagkakitaan ng mga magulang at residente sa lugar gaya ng meat processing, soya production, peanut production, coffee processing, souvenir shop operation, and linapit-making sa ilalim ng Kabuhayan Para sa mga Magulang ng Batang Manggagawa (KASAMA).

Naggawad rin ang Kalihim ng mga cheke na nagkakalahaga ng P600,412.50 sa Mabisil, Insigidan, Tibonga-en, Sadsad Organization at Association of Southern Sagada Episcopalians para sa kanilang cassava processing at organikong produksyon ng strawberry at gulay. Humigit kumulang na 190 Sagadans ang makikinabang sa nasabing tulong pangkabuhayan.
Document Actions
Filed under:

Comments (0)